Gordon pumalag sa pambu-bully ni Duterte

PINALAGAN ni Senador Richard Gordon ang ginawang pambu-bully sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang ikumpara sa penguin at gawing katatawanan ang kanyang pagiging mataba

gordon pumalag sa pambu bully ni duterte - Gordon pumalag sa pambu-bully ni Duterte
ABANTE Gordon duts - Gordon pumalag sa pambu-bully ni Duterte

PINALAGAN ni Senador Richard Gordon ang ginawang pambu-bully sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang ikumpara sa penguin at gawing katatawanan ang kanyang pagiging mataba

“Kailangan marunong ka mag-forgive at forget, ‘di naman ako pwedeng itulak-tulak, ‘di naman ako papayag na binubully lang tayo,” diin ni Gordon sa interview ng DZBB.

Sa kabila ng ginawang pagbatikos ng Pangulo, nanindigan ang senador na hindi makabubuti sa gobyerno ang pagtalaga ng mga dating heneral sa gabinete.

“Wala namang isyu ng bullying dyan di naman ako mapipigilan ng Pangulo kung sabihin nagii­ngat lang ako para sa ‘yo baka mamaya ‘yung mga inaappoint mo hindi gusto ng tao. Masama ba yun? Dapat tangkilikin nga
nya ‘yun na may kaibigan siyang ganun,” paliwanag ni Gordon.

Imbes umanong mamersonal, sinabi ni Gordon na dapat tutukan ng Pangulo ang mga isyu at problemang kinakaharap ng mga mamamayan, tulad na lamang ng paglaganap ng dengue sa bansa.

“Pero ‘wag naman tayo ganyan palagi, hindi naman maganda na Presidente ka, mang-iinsulto ka palagi. Marami tayo problema ngayon, may dengue tayo, may WPS (West Philippine Sea) pa. Ha­yaan na lang niya si Dick
Gordon na malaki ang tiyan, ‘yung asawa ko inaalagaan n’ya yun,” diin ng senador.

Sa kabila ng mga banat sa kanya, tinuturing ni Gordon na kaibigan pa rin si Duterte.

“Sino bang ayaw maging kaibigan si presidente lalo na’t marami kayong napagdaanan bilang mayor?­ Okay lang ako doon, ‘di naman ako napipikon doon.

Ganyan naman talaga si Presidente, ganyan naman talaga ang demokrasya, may mga naninira. Kailan niyo ba ako nakitang naninira?” dagdag pa ng senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *