Gordon pabor sa pagtaas ng batayang sweldo ng mga nars

Suportado ni Senador Richard Gordon ang desisyon ng Korte Suprema na iendorso ang Section 32 ng Republic Act 9173 o ang Philippine Nursing Act of 2002 na sinasaad na nasa salary grade 15 o P31,545 kada buwan ang minimum na sahod ng mga pampublikong nars.

gordon pabor sa pagtaas ng batayang sweldo ng mga nars - Gordon pabor sa pagtaas ng batayang sweldo ng mga nars
dick gordon 1 - Gordon pabor sa pagtaas ng batayang sweldo ng mga nars

Suportado ni Senador Richard Gordon ang desisyon ng Korte Suprema na iendorso ang Section 32 ng Republic Act 9173 o ang Philippine Nursing Act of 2002 na sinasaad na nasa salary grade 15 o P31,545 kada buwan ang minimum na sahod ng mga pampublikong nars.

Diniin ni Gordon na ang mga Pilipinong nars sa gobyerno, pampribadong ospital, o iba pang institusyong pangkalusugan ay dapat may sahod na katumbas ng kanilang serbisyo sa publiko at mahabang oras ng duty sa trabaho.

Sa kasalukuyan, nasa P8,000 hanggang 13,500 lamang ang natatanggap na sahod ng mga entry-level nurse.

Bilang pagsuporta ni Gordon sa sektor ng mga nars, naghain ito ng panukala na mag-aamyenda sa RA 9173 nito lamang Hulyo ng kasalukuyang taon.

Layon ng nabanggit na panukala na magkaroon ng komprehensibong polisiya para sa mga Pilipinong nars upang higit nilang mapakinabangan at mapalawak ang kanilang karanasan sa nursing field.

Mareresolba rin, sa ilalim ng panukala, ang education-career mismatch at kakulangan ng mga nars sa bansa.

“Nurses should be respected. We want them to graduate and be paid well to serve our people. They are very important to public health and so, we must give them the compensation that they truly deserve,” ani senador. (Anne Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *