Gong Cha milk tea nireklamo sa sahog na langaw

DIRING-DIRI ang netizen na si Fritzyjo Jison Fernandez nang nadiskubre niyang langaw at hindi black pearl ang nasa milk tea niyang binili sa Gong Cha nu’ng Biyernes nang hapon.

The post Gong Cha milk tea nireklamo sa sahog na langaw appeared first on Abante News Online.

gong cha milk tea nireklamo sa sahog na langaw - Gong Cha milk tea nireklamo sa sahog na langaw
gong cha - Gong Cha milk tea nireklamo sa sahog na langaw

DIRING-DIRI ang netizen na si Fritzyjo Jison Fernandez nang nadiskubre niyang langaw at hindi black pearl ang nasa milk tea niyang binili sa Gong Cha nu’ng Biyernes nang hapon.

“My Gosh! The F@u%&$ck!!! I munched on this effing langaw and thought it pearls! No wonder its crunchy! I shared this drink with the Little Boy!” post ni Fernandez sa Facebook.

Binili niya ang milk tea sa Gong Cha sa Il Te­razzo sa Tomas Morato, Quezon City.

Sabi ni Fernandez, ni-report niya ang insidente sa Gong Cha pero dinedma lang siya. Nag-aalala siya kasi dahil pinainom din niya ang kanyang dalawang taong gulang na anak na lalaki ng kanyang milk tea.

“Buti na lang ako ‘yung nakakain nu’ng langaw not him. Sheesh,” sabi ni Fernandez.

Sabi naman ng netizen na si Ellyn Villar, nangyari na rin ‘yan sa kanya sa Gong Cha sa Rockwell. Sinabihan niyang nais niyang kausapin ang ma­nagement pero hindi siya tinawagan ni minsan. “Sobrang turn off,” dagdag pa ni Villar.

Ang concern naman ni Twinkle Valdes Alvarez ay kung may iba pang nasa milk tea dahil hindi nga malinis ang shop.

“Euw kung may langaw may eggs na for sure,” sabi ni Alvarez.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may nakitang insekto sa Gong Cha milk tea. Noong Ene­ro, inireklamo na rin ang Gong Cha Greenhills dahil may nakita namang ipis ang nag-take out ng kanilang milk tea.

Hiningi ng Abante ang panig ng Gong Cha ngunit hindi ito nagbigay ng pahayag. (Eileen Mencias)

The post Gong Cha milk tea nireklamo sa sahog na langaw appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *