Golden Bria-Villar paldo sa pandemya

Lumago ang kinita ng Golden Bria Holdings Inc. ni Manny Villar sa unang siyam na buwan ng taon. Ayon sa disclosure ng Golden Bria Holdings sa Philippine Stock Exchange, tanging ang interment business o yung may kinalaman sa paglilibing at pag-cremate sa patay ang lumago sa mga negosyo nito mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon […]

The post Golden Bria-Villar paldo sa pandemya first appeared on Abante.

golden bria villar paldo sa pandemya - Golden Bria-Villar paldo sa pandemya
abante bria - Golden Bria-Villar paldo sa pandemya

Lumago ang kinita ng Golden Bria Holdings Inc. ni Manny Villar sa unang siyam na buwan ng taon.

Ayon sa disclosure ng Golden Bria Holdings sa Philippine Stock Exchange, tanging ang interment business o yung may kinalaman sa paglilibing at pag-cremate sa patay ang lumago sa mga negosyo nito mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon na siyang linya ng Golden Bria.

Sabi ng Golden Bria, lumago ng 17% ang income o kita nito sa interment services sa P32.2 milyon noong katapusan ng Setyembre mula sa P27.7 milyon nang parehong panahon ng 2019.

Ang Golden Bria ang dating Golden Haven Memorial Park na nagbebenta ng memorial services.

Binuksan ang memorial chapel nito sa C-5 sa Las Pinas taong 2017.

Apat ang pangunahing pinagkukuhanan ng benta ng Golden Bria na kinabibilangan ng benta ng mga memorial lot at mga bahay, interes sa financing ng mga binibiling mga bahay o memorial lots, interment income o libing at cremation, at kita sa chapel.

Bumagsak ng 32% ang benta nito sa real estate at 47% ang binaba sa kita sa chapel services.

Lumago naman ng 12% ang kita sa interes ng mga in-house financing sa P67.7 milyon dahil dumami ang kumuha na ng inhouse financing.

Nagtala ang Golden Bria ng net income o kita na P1-bilyon mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, mas mababa kaysa sa P1.7-bilyong kinita nito noong parehong panahon nung 2019. (Eileen Mencias)v

The post Golden Bria-Villar paldo sa pandemya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *