Gold mine sa Siberia gumuho, 15 patay

PINAIIMBESTIGAHAN ni Russian President Vladimir Putin ang pagguho ng dam sa isang minahan ng ginto sa Siberia na ikinamatay ng 15 katao kamakalawa.

gold mine sa siberia gumuho 15 patay - Gold mine sa Siberia gumuho, 15 patay
ABANTE Siberia - Gold mine sa Siberia gumuho, 15 patay

PINAIIMBESTIGAHAN ni Russian President Vladimir Putin ang pagguho ng dam sa isang minahan ng ginto sa Siberia na ikinamatay ng 15 katao kamakalawa.

Nabatid rin sa ulat na inatasan na ng Russian chief executive ang pagtulong sa mga naapektuhan ng trahedya.

Maliban sa 15 nasawi sa pagguho ay may 13 iba pa ang umano’y nawawala.

Nangyari ang pagguho ng dam sa Seiba river sa rehiyon ng Krasnoyarsk kasabay ng malakas na buhos ng ulan at inanod ang mga minero na pansamantalang naninirahan sa maliliit na cabin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *