Gobyerno todo sa DOFW — Nograles

INIHAYAG ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na handang makipagtulungan ang gobyerno sa mga stakeholder pagdating sa pagsasanay, paghahanap ng trabaho at pagpapadala ng mga overseas Filipino worker (OFW) para ma­bigyang pansin ang mga alalahanin ng mga OFW.

gobyerno todo sa dofw nograles - Gobyerno todo sa DOFW — Nograles
karlo nograles - Gobyerno todo sa DOFW — Nograles

INIHAYAG ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na handang makipagtulungan ang gobyerno sa mga stakeholder pagdating sa pagsasanay, paghahanap ng trabaho at pagpapadala ng mga overseas Filipino worker (OFW) para ma­bigyang pansin ang mga alalahanin ng mga OFW.

Handa aniyang itaguyod ng administrasyong Duterte ang mga inisyatibo upang maitatag ang c(DOFW) na tututok sa mga isyu ng mga Pilipino nagtatrabaho sa ibang bansa.

Kaugnay nito ay nakipagpulong si Nograles sa mga lider ng Alliance of Bonafide Recruiters for OFW’s Advancement and Development (ABROAD), koalisyong binubuo ng mga recruitment agency na nagsumite ng kanilang position paper hinggil sa planong pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFW), proposal na naghahayag ng kanilang suporta.

Hinikayat ng opisyal ng Palasyo ang ABROAD na magtulak at gumawa ng mas malalim na bersyon na kahalintulad nito o “mas pinagbuti at mahusay pa sa batas na isinusulong ng Punong Ehekutibo.”
“Kapag natupad ito, gaya nga ng inyong hangarin,

na isulong ang kaligtasan ng ating mga OFWs, kakampi nyo ako; magtulungan tayo para sa ating mga OFWs,” pahayag ni Nograles.

Ang organisasyon ay kumakatawan sa mahigit 500 PRA at halos lahat ng ito ay responsable sa pagbibigay ng trabaho sa mahigit 1 milyong OFW, kinabibilangang ng mga professional, skilled worker at household service o domestic worker.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *