Gobyerno suko sa hebigat trapik

HINDI posible ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Pa­nelo na maresolba ang problema sa trapiko sa EDSA sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

gobyerno suko sa hebigat trapik - Gobyerno suko sa hebigat trapik
traffic 5 - Gobyerno suko sa hebigat trapik

HINDI posible ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Pa­nelo na maresolba ang problema sa trapiko sa EDSA sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pahayag ni Pa­nelo ay bilang tugon sa batikos ni Bayan Secretary-General Renato Reyes na ang Build, Build, Build program ng gobyerno ay hindi sapat para maresolba ang pagsisikip ng daloy ng trapiko at tinawag lamang niya itong bahagi ng mga infrastructure project ng pamahalaan.

“Hindi ba sinabi na nga natin mahirap at matagal. ‘Di ba sinasabi nga ng mga experts 15 to 20 years. Basta ang importante may ginagawa ang pamahalaan, hindi lang nakaupo diyan at nakatunganga,” ani Panelo.

Wala ring ibinigay na kasiguraduhan si Panelo na giginhawa ang daloy ng trapiko sa Metro Manila bago matapos ang termino ni Duterte.

“‘Di ba sinabi ni Presidente sa tingin niya, kung traffic ang pag-uusapan baka tapos na ang term niya hindi pa matatapos ‘yan. Kasi nga infras­tructure ang kailangan mo. Experts na nga ang nagsasabi na it will take you 15 years to solve the entire complex problem on traffic,” giit pa ni Pa­nelo. (Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *