Gobyerno, pribado dapat sanib puwersa para sa mas mabilis na internet

Ang pagtutulungan sa pamahalaan at pribadong sektor ang kailangan para matamo ang mas mabilis na internet speed na nangangailangan ng napakalaking capital spending.

The post Gobyerno, pribado dapat sanib puwersa para sa mas mabilis na internet first appeared on Abante.

gobyerno pribado dapat sanib puwersa para sa mas mabilis na internet - Gobyerno, pribado dapat sanib puwersa para sa mas mabilis na internet
Online class - Gobyerno, pribado dapat sanib puwersa para sa mas mabilis na internet

Ang pagtutulungan sa pamahalaan at pribadong sektor ang kailangan para matamo ang mas mabilis na internet speed na nangangailangan ng napakalaking capital spending.

“Government’s financial muscle is an impetus to rally the Philippines into one of Asia’s bright economies. Having a solid telecom infrastructure is crucial to progress especially as the pandemic made online communications and correspondence the new norm,” ayon sa telco regulator ng bansa.

Sa ilalim ng administrasyon ni Presidente Rodrigo Roa Duterte, ang National Broadband Plan ng bansa ay pinasimulan sa pamamagitan ng funding support.

Ang halos P2-billion budget para sa 2021 National Broadband Plan (NBP) ay naglalayong pabilisin ang pagtatayo ng telecom, na inaasahang magtutulay sa digital divide sa Filipinas.

“The administration’s initiative to hike the budget for the National Broadband Plan is a welcome development, as this will also mean connectivity to more missionary sites or areas without existing telco infrastructure. More is needed to hasten development in this sector, which once done, will spell growth for the broader economy translating to more jobs and livelihood,” pahayag ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba.

Ang National Broadband Plan ay mangangailangan ng P18-billion upang ganap na maipatupad ang ‘digital nation’ blueprint.

“Iyong mga nangunguna po na bansa sa atin, grabe po ang ginagastos ng gobyerno para sa kanilang infrastructure network,” sabi ni Cordoba.

Ang Thailand, halimbawa, ay naglaan ng USD 343-million para i-upgrade ang kanilang broadband connections, at karagdagang USD 143-million para magtayo ng dagdag na submarine cable lines. Ang lahat ng ito ay sa layuning gawin ang naturang bansa bilang “ASEAN’s internet connectivity hub.”

Samantala, ang Taiwan ay gagastos ng USD 2.4-billion upang i-upgrade ang digital infrastructure nito, habang ang Vietnam ay naglaan ng USD 820 million para magtayo ng mga karagdagang submarine cables.

Binigyang prayoridad din ng Singapore, Japan at South Korea ang investments sa kanilang digital at public internet backbone.

Sa Europe, ang Germany ay nakatakdang maglatag ng USD 116-billion para sa ‘gigabit internet service’ sa pinakamalaking ekonomiya sa kontinente.

Gagastos naman ang United Kingdom ng USD 962-million para suportahan ang mga inobasyon ng susunod na henerasyon.

The post Gobyerno, pribado dapat sanib puwersa para sa mas mabilis na internet first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *