Go sa LGU: Buhay, kalusugan ng mamamayan, protektahan

Hinikayat ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate Committee on Health, ang mga lokal na awtoridad at tourism stakeholders na protektahan ang buhay, kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan habang maingat na binabalanse ang pagsusumikap na buksan muli ang ekonomiya sa Boracay Island at tumanggap ng mga turista, sa gitna ng COVID-19 pandemic.

The post Go sa LGU: Buhay, kalusugan ng mamamayan, protektahan first appeared on Abante.

go sa lgu buhay kalusugan ng mamamayan protektahan - Go sa LGU: Buhay, kalusugan ng mamamayan, protektahan
abante bong go 3 - Go sa LGU: Buhay, kalusugan ng mamamayan, protektahan

Hinikayat ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate Committee on Health, ang mga lokal na awtoridad at tourism stakeholders na protektahan ang buhay, kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan habang maingat na binabalanse ang pagsusumikap na buksan muli ang ekonomiya sa Boracay Island at tumanggap ng mga turista, sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Binuksan na po ang Boracay, kaya pakiusap ko lang, sundin po natin ang mga patakaran para maproteksyunan ang ating kalusugan at ang inyong kabuhayan. Importante na makabalik tayo sa normal na pamumuhay pero mas importante na maprotektahan ang buhay ng bawat Pilipino,” anang Senador.

“Palaging magsuot ng mask at face shield. ‘Wag tayong magkumpyansa, binabalanse natin ang lahat, ang ekonomiya at pangkabuhayan natin,” paalala pa ng senador sa mga residente sa isang video call noong Huwebes, Oktubre 22, habang namamahagi ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Covered Court sa Brgy. Manoc-Manoc,Malay, Aklan.

“Uulitin ko, importante po ang buhay ng bawat Pilipino. Unti-unti tayong nagbubukas subalit alagaan natin ang ating kalusugan. Maghugas ng kamay, mag-social distancing. Kung di kailangan, ‘wag muna lumabas ng pamamahay,” aniya.

Matatandaang sinimulan na ng Boracay ang pagtanggap muli ng turista noong Oktubre 1 matapos ang ilang buwang pagsasara dahil sa pandemic, na nagresulta sa pagbabawal sa pagbiyahe at pagpapatupad ng quarantine measures.

Samantala, namahagi ang grupo ng senador ng tulong sa may 300 residente sa isla, na nabiktima ng sunog noong nakaraang taon, at pinagkalooban ang mga ito ng food packs, masks, at face shields.

The post Go sa LGU: Buhay, kalusugan ng mamamayan, protektahan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *