Go ibibigay ang tatak Duterte na serbisyo para sa mga OFW

IPINANGAKO ni Senator-elect Bong Go sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa bansang Japan na serbisyong ‘Tatak Duterte’ na may malasakit sa pagmamahal sa kapwa, lalo na sa mga OFW ang isa sa kanyang pagtutuunan ng pasin, pag-upo sa Senado.

The post Go ibibigay ang tatak Duterte na serbisyo para sa mga OFW appeared first on Abante News Online.

go ibibigay ang tatak duterte na serbisyo para sa mga ofw - Go ibibigay ang tatak Duterte na serbisyo para sa mga OFW
bong go 2 - Go ibibigay ang tatak Duterte na serbisyo para sa mga OFW

IPINANGAKO ni Senator-elect Bong Go sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa bansang Japan na serbisyong ‘Tatak Duterte’ na may malasakit sa pagmamahal sa kapwa, lalo na sa mga OFW ang isa sa kanyang pagtutuunan ng pasin, pag-upo sa Senado.

Ayon kay Sen. Go, agad niyang tutuparin ang kanyang pangako noong kampanya na magtatag siya Department of Overseas Filipino Workers (DOFW).

Sinabi ni Go sa ilalim ng serbisyong Tatak Duterte, mapapadali na ang pagpasok at paglabas sa bansa ng mga OFW na walang haharang sa kanila mula sa customs at immigration.

Kung nagbabakasyon naman sa Pilipinas at nagkasakit ang isang OFW ay madali nang maka-avail ng medical attention sa pamamagitan ng mga Malasakit Center.

Ani Go, nararapat lamang na alagaan ang mga OFW dahil milyon-milyong dolyar ang ipinapadala nila sa bansa na malaking tulong para sumigla ang ating ekonomiya.

Payo ni Senator-elect Go na lumapit lamang sa kanya, anumang oras ay magiging bukas ang kanyang tanggapan sa Senado para sa kanilang hinaing, reklamo, o problema.

Taus-pusong nagpapasalamat si Go sa mga OFW sa buong mundo dahil sa pagboto sa kanya at mga kasamahan sa PDP at Hugpong ng Pagbabago.

The post Go ibibigay ang tatak Duterte na serbisyo para sa mga OFW appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *