GMRC bubuhayin sa Maynila

Ibabalik ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang asignatura na Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa lahat ng mga paaralan sa lungsod.

The post GMRC bubuhayin sa Maynila first appeared on Abante.

gmrc bubuhayin sa maynila - GMRC bubuhayin sa Maynila
abante GMRC - GMRC bubuhayin sa Maynila

Ibabalik ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang asignatura na Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa lahat ng mga paaralan sa lungsod.

Sinabi ito ni Manila Mayor Isko Moreno sa pulong kasama ang mga opisyales ng Department of Education (DepEd) at Division of City Schools (DCS) Manila nitong Martes.

“Ang malasakit kasi, it’s a big word. Marami nang nakapaloob doon – respeto, pagpapahalaga, disiplina. When you care, you’ll understand naturally ultimo ‘yung maliliit na bagay,” wika ng alkalde.

Sinabi ito ni Moreno kasunod ng pagkakapasa ng Republic Act 11476 na layong ibalik ang GMRC at Values Education bilang hiwalay na asignatura sa mga estudyante mula Grade 1 hanggang Grade 12.

Sa parehong pulong, winika ng alkalde na magtatayo rin ang lokal na gobyerno ng mga laboratoryo para mapalakas ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) program para sa mga senior high school student. (SDC)

The post GMRC bubuhayin sa Maynila first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *