GMA pinagmulta sa pagkamatay ni Manoy

PINAGMUMULTA ng Department­ of Labor and Employment (DOLE) ang GMA Network, Inc. matapos lumabas sa imbestigasyon na nabigo ang kompanya na sumunod sa occupational safety and health (OSH) standards.

gma pinagmulta sa pagkamatay ni manoy - GMA pinagmulta sa pagkamatay ni Manoy
eddie 8 - GMA pinagmulta sa pagkamatay ni Manoy

PINAGMUMULTA ng Department­ of Labor and Employment (DOLE) ang GMA Network, Inc. matapos lumabas sa imbestigasyon na nabigo ang kompanya na sumunod sa occupational safety and health (OSH) standards.

Pinagbabayad ng P100,000 kada araw na multa ang GMA dahil sa pagkabigong sundin ang pamantayan ng OSH na nagresulta sa pagkamatay ng beteranong aktor na si Eddie Garcia.

“May imposition na (to) penalize sila ng P100,000 a day until they comply,” sabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sa ilalim ng batas ng OSH, P100,000 ang maximum fine na pinapataw sa mga employer na lumabag sa mga pamantayan.

Tuloy-tuloy aniya ang epekto ng multa hangga’t hindi naaayos ang paglabag sa OSH.

Binigyan diin ni Bello ang kabiguan ng network na magtalaga ng safety officer sa shooting location ng kinukunang teleserye na kasama si Manoy.
Dagdag pa ng kalihim… “kung meron sila ‘di namatay si Eddie Garcia. He was not proper­ly attended to.”

Hindi rin aniya nagawang makapagsumite ang GMA ng ulat nila sa insidente.
Namatay si Garcia sa Makati Medical Center noong Hunyo 20, ilang araw matapos itong ma-comatose dahil sa aksidente habang nagte-taping ng teleser­yeng ‘Rosang Agimat’ sa Tondo, Maynila noong Hunyo 8.

Nagkaroon ito ng neck injury dahil sa pagkakatapilok sa eksena ng barilan sa Tondo. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *