GMA-Inquirer website hinabol sa utang sa buwis

KINASUHAN ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kompanyang INQ7 Interactive Inc. dahil umano sa hindi binayarang buwis na umaabot sa P23 milyon noong 2006.

gma inquirer website hinabol sa utang sa buwis - GMA-Inquirer website hinabol sa utang sa buwis
inq x gma - GMA-Inquirer website hinabol sa utang sa buwis

KINASUHAN ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kompanyang INQ7 Interactive Inc. dahil umano sa hindi binayarang buwis na umaabot sa P23 milyon noong 2006.

Ang INQ7 ay website ng GMA at Inquirer hanggang sa ipasara ito noong 2006 nang mabuwag ang partnership ng dalawang kompanya. Si Felipe Gozon ang tumatayong chairman of the board habang si Paolo Prieto naman ang presidente ng INQ7.

“Together with its responsible corporate officer, it (INQ7) is being sued for a total tax deficiency tax liability for taxable year 2006 amounting to P23,479,467.13 inclusive of increments,” ayon sa statement ng ahensiya.

Bukod sa INQ7, 21 pang kompanya at apat na negosyante ang inireklamo ng tax evasion ng BIR sa Department of Justice (DOJ).

Nahaharap ang mga ito sa mga reklamomg paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis para sa mga taong 2005 hanggang 2013.

Nasa P227 million ang sinasabing hinahabol na tax liability ng BIR.

(Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *