Giyera vs komunista tuloy! Parlade ‘di natinag kina Liza, Catriona, Angel

Itinanggi ng isang military official na pinatitigil siya ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa paglalabas ng statement kaugnay sa umano’y komunista bagkus ay inaatasan pang ituloy ang kampanya dahil sa pinanghahawakan ebidensya.

The post Giyera vs komunista tuloy! Parlade ‘di natinag kina Liza, Catriona, Angel first appeared on Abante.

giyera vs komunista tuloy parlade di natinag kina liza catriona angel - Giyera vs komunista tuloy! Parlade ‘di natinag kina Liza, Catriona, Angel
abante angel 2 - Giyera vs komunista tuloy! Parlade ‘di natinag kina Liza, Catriona, Angel

Itinanggi ng isang military official na pinatitigil siya ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa paglalabas ng statement kaugnay sa umano’y komunista bagkus ay inaatasan pang ituloy ang kampanya dahil sa pinanghahawakan ebidensya.

Ayon kay Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), utos ng kanyang opisyal ang kanyang ginagawa at bilang isang spokesperson ay naglalabas siya ng statement.

“Linawin ko. Ito ang sinabi ni Sec. Lorenzana – ‘twisted na naman’ ang kaniyang mga statement… Sabi niya, continue what you’re doing as long as we have evidence. ‘Push on,’ ‘press on’ that’s his term,” paliwanag ni Parlade sa isang panayam.

“Hindi ko ‘to opinion… This is the NTF-ELCAC position on these issues. Nagkataon lang, ako yung nagsasalita sa ngayon. I’m just one of the spokespersons… This is beyond me. Ang ating chairman dito ay si Presidente. Titigil ba ko sa ginagawa ko? Of course not,” dagdag pa nito.

Una nang itinanggi ni Lorenzana ang mga paratang na kung saan sinabi niya na kailangang may sapat na ebidensya bago maglabas ng statement.

“Huwag mong sabihin na leftist ‘yan, o NPA ‘yan. Dapat may ebidensya tayo kung ano ‘yun. Otherwise, just keep quiet,” ayon pa kay Lorenzana.

Matatandaang naging kontrobersiyal si Parlade matapos na pumalag ang mga celebrity na sina Liza Soberano, Catriona Gray at Angel Locsin dahil sa pag-uugnay sa kanila sa makakaliwa.(Vick Aquino)

The post Giyera vs komunista tuloy! Parlade ‘di natinag kina Liza, Catriona, Angel first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *