Ginebra sapul ang 1,000th win

Ginebra sapul ang 1,000th win

MULING sumampa sa record books ng PBA ang Barangay Ginebra, kinubra ang 1,000th win sapul nang sumali sa liga noong 1979.

The post Ginebra sapul ang 1,000th win appeared first on Abante News Online.

ginebra sapul ang 1000th win - Ginebra sapul ang 1,000th win
ginebra 6 - Ginebra sapul ang 1,000th win

MULING sumampa sa record books ng PBA ang Barangay Ginebra, kinubra ang 1,000th win sapul nang sumali sa liga noong 1979.

Dadalawang teams pa lang sa 45 years ng Asia’s first play-for-pay league ang nakakagawa nito – una ang league pioneer San Miguel Beermen.

Bumubuntot sa dalawa ang Alaska Aces na may 971 wins na sapul nang sumali sa liga noong 1986.

Ang mahigpit na karibal pang Beermen ang tinuntungan ng Gin Kings para ekisang ang 1000th ‘W’ – via 110-107 overtime win sa Commissioner’s Cup noong Linggo.

Binasag ng basket ni LA Tenorio ang hu­ling 102-102 deadlock sa extra period bago umagwat sa nakumpletong three-point play ni Justin Brownlee.

Tumapos si Brownlee ng 39 points, 15 rebounds at 5 assists sa loob ng walang labasang 53 minutes.

“It shows na capable din ang Ginebra na manalo ng ganun karami,” ani Tenorio, napunta sa team noong 2012 at nagsumite ng 16 points, 6 assists kontra SMB.

Eksaktong apat na dekada bago nakuha ng Gins ang milestone. (Vladi Eduarte)

The post Ginebra sapul ang 1,000th win appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *