Ginebra San Miguel, pinagbabayad ng P1M

Pinagmumulta ang isa sa mga kumpanya ng San Miguel Corporation ng P1.03 milyon dahil sa dinudumihan umano nito ang kalikasan.

ginebra san miguel pinagbabayad ng p1m - Ginebra San Miguel, pinagbabayad ng P1M
ginebra 10 - Ginebra San Miguel, pinagbabayad ng P1M

Pinagmumulta ang isa sa mga kumpanya ng San Miguel Corporation ng P1.03 milyon dahil sa dinudumihan umano nito ang kalikasan.

Ayon sa Ginebra San Miguel nitong Biyernes, nagpataw ang Department of Environment and Natural Resources Pollution Adjudication Board (DENR-PAB) ng P1.03 milyong multa sa East Pacific Star Bottlers Phils Inc. na pag-aari nito.

Sabi ng Ginebra San Miguel, ang multa na nakasaad sa DENR-PAB Order ay para sa Case No. 02-F00184-17 na pinirmahan noong Setyembre 13, 2019.

Ayon sa DENR PAB, nilabag ng kumpanya ng Ginebra San Miguel ang Republic Act No. 9275 o ang Clean Water Act of 2004 at pinararatangan silang nagtatapon ng dumi o effluents sa tubig.

Sabi ng Ginebra San Miguel, inayos na nila ang violations at maghahain ang East Pacific Star Bottlers ng motion for reconsideration bago mag-Oktubre 23, 2019. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *