Ginang nanganak sa evacuation center

Sa isang evacuation center sa Barangay Sto. Domingo, Biñan City, Laguna noong Huwebes inabutan ng panganganak ang isang ginang.

The post Ginang nanganak sa evacuation center first appeared on Abante.

ginang nanganak sa evacuation center - Ginang nanganak sa evacuation center
Sanggol - Ginang nanganak sa evacuation center

Sa isang evacuation center sa Barangay Sto. Domingo, Biñan City, Laguna noong Huwebes inabutan ng panganganak ang isang ginang.

Ayon sa ulat, residente ng Barangay Dela Paz ang babae na nagtungo sa Barangay Sto. Domingo evacuation center kahapon para puntahan ang mga kaanak sa takot na kabuwanan na niya at malalim pa ang baha sa kanilang barangay.

Nakumbinsi siya ng mga kaanak na manatili muna sa evacuation center para mabantayan siya ng mga ito.

Sakto namang nag-labor ang babae at dahil ayaw niyang madala sa ospital, tumawag ang mga barangay official ng midwife na nagpaanak sa una.

Nananatili ngayon ang mag-ina sa isang isolation room sa evacuation center. (IS)

The post Ginang nanganak sa evacuation center first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *