Gina Lopez Ecopark sinulong sa QC

Gina Lopez malaking kawalan — Oceana

Sinuportahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang inisyatiba ng konseho ng lungsod upang palitan ang pangalan ng La Mesa Ecopark at isunod ito sa pangalan ng yumaong environmentalist/philanthropist na si Gina Lopez.

gina lopez ecopark sinulong sa qc - Gina Lopez Ecopark sinulong sa QC
gina lopez - Gina Lopez Ecopark sinulong sa QC

Sinuportahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang inisyatiba ng konseho ng lungsod upang palitan ang pangalan ng La Mesa Ecopark at isunod ito sa pangalan ng yumaong environmentalist/philanthropist na si Gina Lopez.

Dalawang konsehal ng Quezon City, sina Winston Castelo at Candy Medina, ang nagsampa ng magkahiwalay na resolusyon para ipangalan kay Lopez ang nabanggit na ecopark.

Ayon kay Belmonte, hiniling na niya sa Quezon City Council, na pinamumunuan ni Vice Mayor Gian Sotto, upang mapabilis ang nabanggit na mga resolusyon sa gitna ng mga panawagan ng ilang environmentalist na pangalanan ang ecopark para kay Lopez bilang pagbibigay karangalan sa pamanang ibinigay nito para sa kapaligiran.

Si Lopez, tagapangulo ng Lingkod Kapamilya Foundation ng ABS-CBN, ay nagtatag ng Bantay Kalikasan noong 1999 bilang sandigan ng kapaligiran ng mga pundasyon upang makatulong sa mga biktima ng mga kalamidad tulad ng bagyo sa bansa.

Sa pamamagitan ng Bantay Kalikasan, si Lopez ay nagwagi sa rehabilitasyon ng 2,700-ektaryang La Mesa Watershed at pagbuo ng 32-ektaryang La Mesa Ecopark. (Riz Dominguez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *