Gierran winalis mga PhilHealth exec

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinag-resign ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president at chief executive officer Dante Gierran ang mga senior executive ng ahensya.

The post Gierran winalis mga PhilHealth exec first appeared on Abante.

gierran winalis mga philhealth exec - Gierran winalis mga PhilHealth exec
Dante Gierran - Gierran winalis mga PhilHealth exec

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinag-resign ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president at chief executive officer Dante Gierran ang mga senior executive ng ahensya.

Ayon kay Roque, nag-isyu ng memorandum si Gierran sa mga senior executive para maghain ng courtesy resignation bilang bahagi ng ipatutupad na malawakang balasahan sa ahensya.

“Hindi ko pa nakikita `yang memo, [pero] nakatanggap na po ako ng tatlong kumpirmasyon na hinihingi nga po ni president ng PhilHealth ngayon `yong courtesy resignation ng lahat ng Salary 9Grade0 26,” sabi ni Roque sa panayam sa radyo nitong Biyernes.

Kasama aniya sa pinag-resign ang mga vice president ng PhilHealth.

Ayon kay Roque, suportado ng Malacañang ang ginawang hakbang ni Gierran.

Batid umano nila na wala nang panahon si Gierran kung kaya’t mahalaga para sa kanya na hilingin ang courtesy resignation ng mga senior executive para maging mabilis ang pagbalasa sa PhilHealth.

The post Gierran winalis mga PhilHealth exec first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *