Gierran palaban sa PhilHealth mafia

INAMIN ni bagong PhilHealth chief Dante Gierran na natatakot siya sa kanyang bagong posisyon pero hinding-hindi siya naduduwag na linisin ang ahensya sa gitna ng mga paratang ng katiwalian laban sa mga pinuno nito.

The post Gierran palaban sa PhilHealth mafia first appeared on Abante.

gierran palaban sa philhealth mafia - Gierran palaban sa PhilHealth mafia
abante tonite copy 1 4 - Gierran palaban sa PhilHealth mafia

INAMIN ni bagong PhilHealth chief Dante Gierran na natatakot siya sa kanyang bagong posisyon pero hinding-hindi siya naduduwag na linisin ang ahensya sa gitna ng mga paratang ng katiwalian laban sa mga pinuno nito.

Nilinaw din ng nagretirong hepe ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi siya nag-apply sa posisyon kundi inalok ito sa kanya ni Sen. Christopher “Bong” Go, na matagal ng aide ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Gierran napakabigat na trabaho ang haharapin niya para linisin ang PhilHealth matapos akusahan ang dati nitong pinuno na si ret. Gen Ricardo Morales, kasama ang iba pang opisyal ng pambubulsa umano ng P15 bilyon mula sa pondo nito.

“I’m a little bit scared… because I don’t know the operation of PhilHealth,” pag-amin ni Gierran.

Aniya wala siyang alam sa pasikot-sikot sa PhilHealth kumpara sa NBI na pinagsilbihan niya ng 27 taon.

Gayunman, sinabi niya na bubuo siya ng sariling management committee at sisiyasatin niya ang financial statements ng ahensya, kabilang ang paglalabas ng pondo sa mga ospital na madalas ay ipinarutupad noon sa pmamagitan ng board resolution.

“That’s illegal. That’s technical malversation,” ani Gieran.

Tiniyak din niya na gagamitin niya ang kanyang pagiging certified public accountant (CPA) para epektibong pamunuan at imbestigahan ang anumang iregularidad sa ahensya.

“I would like to succeed… I am scared, but I am not cowed. I want to lead people. If you lead people, you set yourself as an example.” diin nito.

Idinagdag niya na kokonsultahin din niya si Morales na inutusan ng Pangulo na magbitiw sa kanyang posisyon. (Mia Billones)

The post Gierran palaban sa PhilHealth mafia first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *