Generator delikado sa bahay

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag gumamit ng generator at iba pang makinarya na maaaring magbuga ng carbon monoxide sa loob ng bahay.

The post Generator delikado sa bahay first appeared on Abante.

generator delikado sa bahay - Generator delikado sa bahay
Generator - Generator delikado sa bahay

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag gumamit ng generator at iba pang makinarya na maaaring magbuga ng carbon monoxide sa loob ng bahay.

Ayon sa DOH ang carbon monoxide ay nakakalason at nakakamatay. Bukod pa na ang carbon monoxide ay isang gas na walang amoy, kulay o lasa na produkto ng pagsunog ng anumang panggatong gaya ng propane, gasolina, langis, kahoy o uling.

Ito ay maaaring maipon sa mga sarado o bahagyang sarado na lugar sa loob ng bahay.

Kasabay nito ay hinimok ng DOH ang publiko na agad na kumuha ng medikal na atensyon kapag hinihinalang nagkaroon ng pagkalason sa carbon monoxide.

Sintomas ng pagkalanghap ng carbon monoxide ang pagkahilo , magaan ang ulo, naduduwal at nasusuka. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Generator delikado sa bahay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *