GCQ sa NCR, 6 pang lugar buong Nob walang pagbabago -IATF

Nanindigan ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa naunang desisyon na panatilihin ang general community quarantine (GCQ) status sa Metro Manila at anim pang lugar sa bansa ayon sa Malacañang.

The post GCQ sa NCR, 6 pang lugar buong Nob walang pagbabago -IATF first appeared on Abante.

gcq sa ncr 6 pang lugar buong nob walang pagbabago iatf - GCQ sa NCR, 6 pang lugar buong Nob walang pagbabago -IATF
ncr 3 - GCQ sa NCR, 6 pang lugar buong Nob walang pagbabago -IATF

Nanindigan ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa naunang desisyon na panatilihin ang general community quarantine (GCQ) status sa Metro Manila at anim pang lugar sa bansa ayon sa Malacañang.

Maliban sa Metro Manila ay naka-GCQ ang Batangas, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Iligan City, at Lanao del Sur mula Nobyebre 1 hanggang 30.

“Nasa pinal na rin po ang ating mga quarantine classifications matapos po ang takdang panahon na binigay sa mga lokal na pamahalaan upang mag apela,” paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Laging Handa public briefing kahapon.

“Ang iba’t ibang lugar pa po ng Pilipinas na hindi nabanggit ay mapapasailalim sa MGCQ. Ibig sabihin nito, wala pong nagbago doon sa inanunsyo na quarantine guidelines ng ating Presidente,” giit pa ni Roque. (Prince Golez)

The post GCQ sa NCR, 6 pang lugar buong Nob walang pagbabago -IATF first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *