Gamot sa bulutong mabisa kontra COVID

Isang pinahusay na bakuna laban sa bulutong na gawa ng research team sa Japan ang nakumpirmang epektibo upang makaiwas tamaan ng coronavirus.

The post Gamot sa bulutong mabisa kontra COVID first appeared on Abante.

gamot sa bulutong mabisa kontra covid - Gamot sa bulutong mabisa kontra COVID
abante injection - Gamot sa bulutong mabisa kontra COVID

Isang pinahusay na bakuna laban sa bulutong na gawa ng research team sa Japan ang nakumpirmang epektibo upang makaiwas tamaan ng coronavirus.

Ayon sa ulat ng Asia News Network, naberipika ito ng research team, na kinabibilangan ng Tokyo Metropolitan Institute of Medical Science, sa pamamagitan ng pagsubok sa mga hayop at nakita ring matagal ang bisa ng bakuna.

Dagdag pa sa ulat, matapos turukan ng dalawang dose ng enhanced smallpox vaccine ang mga unggoy, lumikha ito ng antibodies na umaatake sa coronavirus at immune cells na umaatake naman sa infected cells.

Wala rin umanong seryosong side effects na nakita ang mga mananaliksik sa bakuna.

Dahil dito, plano ng Tokyo-based pharmaceutical company na Nobelpharma Co., na simulan ang mga clinical trial nitong taon. (IS)

The post Gamot sa bulutong mabisa kontra COVID first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *