Game changer sa Contact Tracing

Ang programa ng gobyerno sa contact tracing ay bumuti sa paglulunsad ng online na aplikasyon na StaySafe.ph bilang opisyal na contact tracing program.

The post Game changer sa Contact Tracing first appeared on Abante.

game changer sa contact tracing - Game changer sa Contact Tracing
abante staysafe - Game changer sa Contact Tracing

Ang programa ng gobyerno sa contact tracing ay bumuti sa paglulunsad ng online na aplikasyon na StaySafe.ph bilang opisyal na contact tracing program.

Ang programang ito na suportado ng National Task Force ay totoong game changer sa ating estratehiya sa contact tracing dahil gagamit na tayo ngayon ng automated contact tracing program bilang karagdagan sa mga pagsisikap na isinasagawa na ng pamahalaan.

Karangalan kong maimbitahan sa opisyal na paglulunsad ng StaySafe.ph sa SM Manila noong nakaraang linggo kasama sina Chief Tracing Czar Mayor Benjamin Magalong at Manila Mayor Isko Moreno.

Ang paglulunsad ay suportado rin ng mga pribadong kasosyo kasama ang SM Supermalls, McDonald’s Philippines, Jollibee Foods Corporation, Union Bank Philippines, Filinvest Development Corporation, Alliance Global Inc, JG Summit, Metrobank, Yuchengco Group of Companies, Bankers Association of the Philippines, The Moment Group, at ANGKAS.

Ang mga pribadong kumpanya na ito ay nasasabik na gamitin ang app sa kanilang mga establisyemento dahil magiging madali ang contact tracing, ang pamamahala nito, at ang pagiging epektibo nito. Kailangan lamang mag-download ang mga kumpanya ng isang QR code na maaaring ipakita sa mga lugar ng trabaho o mga establisimiyento na kapag na-scan ay magsisilbing isang digital logbook na maaaring magamit sa contact tracing.

Dahil ang app ay konektado sa lahat ng molecular laboratories, madaling malalaman ng mga establisimiyento kung ang mga taong nais na pumasok sa kanilang gusali ay kumpirmadong may COVID, posibleng may COVID, o may sintomas ng pagkakaroon ng COVID sa pamamagitan lamang ng pag-scan ng ipinapakita ng QR code. Magbibigay ito ng kumpiyansa hindi lamang sa mga establisimiyento kundi pati na rin sa mga konsyumer na ang gusali na kanilang pupuntahan ay walang COVID-19.

Malulutas sa paggamit ng StaySafe app ang problema ng pagkuha ng mali o inimbentong impormasyon ng ilang mga indibidwal kaya mapagbubuti ang contact tracing. Gayundin, sa pamamagitan lamang ng pag-scan ng isang QR code, malilimitahan natin ang peligro ng pagkalat ng virus dahil ang pagkolekta ng impormasyon ay hindi gagamitan ng papel at malilimitahan pati na rin ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga tao.

At habang ang StaySafe, ph ay inilunsad lamang kamakailan, ang pangako ng gobyerno na gagamit ng automated contact tracing program ay kasama na sa plano noon pang Hunyo 2020 nang muling kumpirmahin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang patakaran nito na gumamit ng StaySafe .ph para sa contact tracing.

Ang StaySafe.ph ay tinanggap bilang opisyal na contact tracing program ng gobyerno matapos itong sertipikahan ng Department of Information and Communications Technology at ng National Privacy Commission na ito ay technically feasible, ligtas, magkatugma ang mga sistema, at compliant sa data privacy laws.

Ang Department of Health (DOH) at Multisys Technology Corporation, ang developer ng StaySafe.ph ay lumagda sa isang Memorandum of Agreement ukol sa donasyon at paggamit ng StaySafe.ph. Kasama sa nasabing kasunduan ang source code, lahat ng data, pagmamay-ari ng data, at intelektuwal na pag-aari ng Multisys patungkol sa paglilipat ng StaySafe.ph sa DOH.

Bahagi ng kasunduan sa paggamit at pamamahala ng StaySafe.ph ang limitadong paggamit nito sa pagkolekta ng data at ang pagiimbak ng lahat ng nakolektang data sa COVID-Kaya system ng DOH. Dagdag dito, lahat ng data na kasalukuyang nasa StaySafe.ph database ay ililipat sa COVID-Kaya.

Nakikiisa ako sa pribadong sektor sa paghihikayat sa lahat na gamitin ang StaySafe.ph upang magtiwala tayo na ligtas tayong makapagpapatuloy sa pang-araw-araw nating buhay kahit na hindi pa lubusang nawawala ang corona virus. Sa StaySafe.ph, makasisiguro tayo na ang ating mga pagsisikap sa contact tracing ay higit na bubuti at sa darating na panahon ito ay magbubunga ng matagumpay na paglaban sa pandemikong ito.

The post Game changer sa Contact Tracing first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *