Galvez lang may werpa sa bakuna

Dadaan lahat kay vaccine czar at National Task Force on Covid-19 Secretary Carlito Galvez ang mga negosasyon at dokumentong may kinalaman sa bakuna kontra COVID-19.

The post Galvez lang may werpa sa bakuna first appeared on Abante.

galvez lang may werpa sa bakuna - Galvez lang may werpa sa bakuna
abante galves 2 - Galvez lang may werpa sa bakuna

Dadaan lahat kay vaccine czar at National Task Force on Covid-19 Secretary Carlito Galvez ang mga negosasyon at dokumentong may kinalaman sa bakuna kontra COVID-19.

Ito ang nilinaw ng Pangulo sa harap na rin ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan nina Department of Health (DOH) secretary Francisco Duque III at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. kaugnay sa naunsiyami umanong delivery ng Pfizer vaccines sa Enero.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na iisa lamang ang itinoka nito para tumutok sa pagbili ng bakuna para sa mga Pilipino.

“For the nth time, I said I only delegate to one person. There can be so many negotiations, walang problema. But at the end of the day, your negotiations or your documents must pass the standard set by General Galvez,” anang Pangulo.

Maaari aniyang makipag-negotiate ang kahit sino subalit sa bandang huli ay kay Galvez pa rin ang huling disposisyon sa mga darating na bakuna sa bansa.

“Wala akong kinikilala. You can negotiate, you can whatever sign documents for the delivery but at the end of the day, isang tao lang ang binigyan ko nyan, si General Galvez. It begins and ends in his table,” dagdag ng Pangulo.

Matatandaang si Duque ang sinisi ni Locsin sa 10 milyong doses ng Pfizer vaccine na darating sana sa bansa sa Enero kung inaksiyonan lamang umano agad nito ang kailangang dokumento.(Aileen Taliping)

The post Galvez lang may werpa sa bakuna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *