Gabinete kinutsaba ni Cayetano sa speakership

Gabinete kinutsaba ni Cayetano sa speakership

KINUTSABA ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang ilang miyembro ng gabinete upang mahikayat ang mga kongresista na suportahan ang term-sharing sa speakership ng Kamara, ayon kay Buhay Party-list Rep. Lito Atienza.

The post Gabinete kinutsaba ni Cayetano sa speakership appeared first on Abante News Online.

gabinete kinutsaba ni cayetano sa speakership - Gabinete kinutsaba ni Cayetano sa speakership
allan cayatano - Gabinete kinutsaba ni Cayetano sa speakership

KINUTSABA ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang ilang miyembro ng gabinete upang mahikayat ang mga kongresista na suportahan ang term-sharing sa speakership ng Kamara, ayon kay Buhay Party-list Rep. Lito Atienza.

Sa isang phone interview, tinukoy ni Atienza ang mga Cabinet member na kumikilos para makuha ni Cayetano ang puwesto ng Speaker na sina Public Works Secretary Mark Villar, Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez at Transportation Secretary Arthur Tugade.

“Sec. Dominguez prominently mentioned… also Sec. Mark Villar, Sec. Tugade—they were the ones who are pushing for the revival of term-sharing which will benefit Cong. Cayetano,” pag-amin ni Atienza.

Itinutulak ni Cayetano ang term-sharing kung saan una siyang maninilbihan na speaker sa loob ng 15 buwan, bago ito saluhin at ipagpatuloy ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa nalalabing 21 buwan hanggang Hunyo 30, 2022.

Tinutulan nina Velasco at Davao City Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte ang term-sharing kaya’t binalak ng presidential son na tumakbo na rin sa pagka-Spea­ker. Kontra din ang Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte sa hatian ng termino kaya’t inendorso nila si Davao City Rep. Isidro Ungab bilang Speaker ng Kamara.

Ayon pa kay Atienza, imoral at iligal ang ginagawang pakikialam ng tatlong cabinet member sa labanan ng speaker.

“Hindi dapat ginagawa ‘yan,” wika ni Atienza. “Wag kayo makialam. Ito ang info na nakakarating sa amin and we take this matter up seriously.”

Suspetsa ni Atienza, kaya sumawsaw ang mga cabinet member sa labanan ng speaker ay upang maprotektahan ang kanilang insertion o pork barrel fund sa panukalang 2020 Natio­nal Expenditure Program (NEP)
“I’m reading between the lines. Why is the cabinet hot around their collars they promote Cayetano when it is purely only congressmen should be involved it?” saad ng kongresista.

Inungkat pa ni Atienza ang multi-milyong pisong flood control project na isiniksik sa 2017 at 2018 National Budget sa mga lugar na bihira namang bahain.

Nabisto rin sa nakaraang Kongreso ang “parked pork barrel fund” kung saan umaabot sa P75 bilyon ang nakatago sa 2019 NEP at ikinalat sa mga congressional district.

Itinanggi naman ni Dominguez ang akusasyon ni Atienza na nakikialam siya sa speakership race sa Kamara.

“The Department of Finance does not interfere with the internal affairs of the Legislative Branch. The DOF and attached bureaus and agencies have submitted only it’s budget request to the DBM for consolidation and approval of the President,” paliwanag ni Dominguez.

“It’s budget is one of the smal­ler Departments and certainly does not contain any insertions, whatever that term means,”dagdag pa ng kalihim.

Kaugnay nito, tinatayang 167 kongresista naman ang lumagda sa manifesto of support para sa speakership bid ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

“I have seen the manifesto of support for Cong. Martin and I saw the signatures of 167 congressmen from different political parties and blocs of the 18th Congress,” wika ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa isang press conference nitong Huwebes.

Sinabi ni Defensor na mula sa 80 kongresista noong Hunyo, lumobo sa 167 kongresista ang sumusuporta sa kandidatura ni Romualdez.

Binanggit pa ng kongresista na kapag nakita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bilang ng kongresistang lumagda sa manifesto, baka magbago ang posisyon nito ang iendorso ang kandidatura ni Romualdez. (JC Cahinhinan)

The post Gabinete kinutsaba ni Cayetano sa speakership appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *