Gabby Lopez nagbitiw sa ABS-CBN

Nabitiw kahapon si Eugenio “Gabby” Lopez III bilang chairman emeritus at director ng ABS-CBN Corp.

The post Gabby Lopez nagbitiw sa ABS-CBN first appeared on Abante.

gabby lopez nagbitiw sa abs cbn - Gabby Lopez nagbitiw sa ABS-CBN
abante gabby lopez - Gabby Lopez nagbitiw sa ABS-CBN

Nabitiw kahapon si Eugenio “Gabby” Lopez III bilang chairman emeritus at director ng ABS-CBN Corp.

Binitiwan din niya ang posisyon niya sa iba pang mga kompanya ng pamilya Lopez, particular ang kanyang pagiging director sa First Gen Corporation, Rockwel Land Corp., ABS-CBN Holdings Corp., at First Philippine Holdings Corporation.

Ang pagbibitiw niya kahapon ay epektibo kaagad.

“Personal reasons” ang binigay na dahilan sa kanyang resignation.

Malungkot na tinanggap ng Board of Directors ng ABS-CBN ang pagbibitiw ni Lopez at kinuha ng kompanya si Mario Luza Bautista bilang kapalit niya. General counsel ng ABS-CBN si Bautista noon pang 2011 at miyembro din siya ng Board of Advisors nito at ng First Philippine Holdings Corp.

Wala namang pinangalanang pang papalit kay Lopez bilang director sa iba pang mga kompanya kung saan siya nagbitiw. (Eileen Mencias)

The post Gabby Lopez nagbitiw sa ABS-CBN first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *