Free tuition tatamaan ng budget cut sa CHED

Namemeligrong maging tambay ang daan libong mga estud­yante sa kolehiyo kapag natuloy ang pla­nong pagtapyas ng P11.6 bil­yon sa budget ng Commission on Higher Education (CHED) para sa taong 2020, ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

free tuition tatamaan ng budget cut sa ched - Free tuition tatamaan ng budget cut sa CHED
tonite ched - Free tuition tatamaan ng budget cut sa CHED

Namemeligrong maging tambay ang daan libong mga estud­yante sa kolehiyo kapag natuloy ang pla­nong pagtapyas ng P11.6 bil­yon sa budget ng Commission on Higher Education (CHED) para sa taong 2020, ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

“Okay lang sana kung hindi pa sila naka-enroll sa kolehiyo; kung papasok pa lang. Pero karamihan naka-enroll na, prodded by a government guarantee that if they study hard and maintain good grades, they can keep the scholarship,” sabi ng senador.

Ang budget ng CHED ngayong taon ay P52.43 bilyon. Ang pinanukala ng executive branch para sa susunod na taon ay P40.78 bilyon, o halos 23% bawas na nagkakahalaga ng P11.65 bilyon.

Ang malaking bulto o 80% ng CHED budget (80%) ay para sa implementasyon ng programa sa ilalim ng Republic Act No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Sa taong ito, ang budget para sa RA 10931 ay P42.5 bilyon. Ang pinakamalaking bahagi nito ay para sa Tertiary Education Subsidy (TES) na nagkakaha­laga ng P25.29 bilyon.

Subalit para sa taong 2020, ang panukalang budget para sa RA 10931 ay P35.36 bilyon o P7.12 bilyong bawas.

Kaya’t umaapela umano ang CHED na ibalik ang P10.35 bil­yong kinaltas ng Department of Budget and Management (DBM).

Kung hindi aniya maibabalik ang pondo, namemeligro ang pag-aaral ng 175,260 na mga estudyante sa ilalim ng Student Financial Assistance Program, gayundin ang 1,932 medical scholar, at sa pagitan ng 115,352 hanggang 199,920 estudyanteng umaasa sa TES. ­(Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *