France binuksan border sa England

Maaari nang makapasok ang mga pasahero mula England sa mga border ng France nang magdesisyon itong buksan ang mga harang na nilagay upang mapigil ang pagkalat ng bagong variant ng coronavirus.

The post France binuksan border sa England first appeared on Abante.

france binuksan border sa england - France binuksan border sa England
abante france 1 - France binuksan border sa England

Maaari nang makapasok ang mga pasahero mula England sa mga border ng France nang magdesisyon itong buksan ang mga harang na nilagay upang mapigil ang pagkalat ng bagong variant ng coronavirus.

Nagdulot ang pagsasara ng mga border sa isyu ng supply ng pagkain kaya naman makatutulong din umano ito upang mapabilis ang pagpasok ng mga truck na nagdadala ng mga kalakal.

Una rito, nakipag-usap umano si British Prime Minister Boris Johnson kay French President Emmanuel Macron upang maalis ang ban.

Sa naging kasunduan, papayagan na ng France ang mga residenteng galing sa England para makabiyahe sa kanilang bansa, kinakailangan lang na may maipakita itong negatibong COVID-19 test result na hindi tatagal sa 72 oras.

Marami nang bansa ang nagsara ng kanilang border sa Britain matapos lumabas ang ulat ng nag-mutate na variant ng coronavirus.

The post France binuksan border sa England first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *