Ford palpak sa recall letter

NAGPATAWAG ang manunulat na si Alex Calleja ng sinulatan siya ng Ford Philippines na kasama sa recall nito ang kanyang Ford Ranger o Everest.

ford palpak sa recall letter - Ford palpak sa recall letter
ABANTE Ford - Ford palpak sa recall letter

NAGPATAWAG ang manunulat na si Alex Calleja ng sinulatan siya ng Ford Philippines na kasama sa recall nito ang kanyang Ford Ranger o Everest.

“Nagworry ako dahil wala naman akong ford ranger/Everest! At ngayon, inaaway ako ng misis ko dahil bakit daw ako may ford ranger/Everest na hindi niya alam! Baka may bahay din daw siyang hindi alam,” sabi ni Calleja sa kanyang Facebook post.

“Sa susunod Ford Philippines, kung sira ang mga unit niyo, ‘wag niyo ng sirain ang buhay ko,” dagdag pa ni Calleja. Sa loob daw siya ng kanyang Honda Civic natulog noong gabing iyon.

Lumapit na ang Ford Philippines at sinabihan siyang iniimbestigahan nito ang pangyayari. At ang palusot ng kompanya, meron daw siya kasing biniling Ford noong 2009 pa.

Nalagot na naman siya sa misis niya. “Mas lalong imposible kasi wala pa akong pera nun, ngayon wala pa rin…as for my wife, medyo totoo na naghihinala siya,” sabi ni Calleja sa kanyang update sa FB.

“Nagising ako kaninang hatinggabi na nakatayo siya sa harapan ko at may hawak na kutsilyo…pero nakangiti naman so hindi ako nagworry,” hirit pa niya.

Hanggang kahapon, hinihintay pa ni Calleja ang official reply ng Ford Philippines.

Tinanong ng Abante ang Ford Philippines tungkol sa liham na ipinadala nito sa bahay ni Calleja sa Taguig ngunit hindi ito nagbigay ng pahayag. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *