Floirendo interesado rin sa puwesto ni Gloria

MAY mga umiikot na text messages para palutangin ang interes umano ni Davao del Norte Congressman Antonio Floirendo na maging susunod na House Speaker.

The post Floirendo interesado rin sa puwesto ni Gloria appeared first on Abante News Online.

floirendo interesado rin sa puwesto ni gloria - Floirendo interesado rin sa puwesto ni Gloria
gloria 3 - Floirendo interesado rin sa puwesto ni Gloria

MAY mga umiikot na text messages para palutangin ang interes umano ni Davao del Norte Congressman Antonio Floirendo na maging susunod na House Speaker.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos makatanggap ng text message sa hindi kila­lang number na nais umano ni Floirendo na saluhin ang babakantehing puwesto ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Pa­nelo, hindi niya kilala ang nagpadala kaya’t tinawagan niya ang mambabatas na kinumpirma naman nito.

“I received a text message, I don’t know where it came from but it seems it appears that the Congressman Floirendo is throwing his hat into the speakership. So he is vying for the speakership,” ani Panelo.

Sinabi ni Panelo na ituloy man o hindi ng mambabatas ang plano ay isa lang ang tinitiyak nito, hindi sasawsaw sa isyu ang Pangulo.

Kilala aniya ng publiko si Pangulong Rod­rigo Duterte na hindi nakikialam at nanghihimasok sa panloob na usapin ng ibang sangay ng pamahalaan kayat hindi makikialam sa gusto ni Floirendo.

“The Palace never intrudes into the other branches, you know that for long. He allows everybody to seek whatever position they want and let the constituency of that class decide,” dagdag pa ni Panelo.

Si Floirendo ay kaibigan ni Pangulong Rod­rigo Duterte. ­(Aileen Taliping)

The post Floirendo interesado rin sa puwesto ni Gloria appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *