Fixer sa Unibersidad de Manila tiklo

Arestado ang isang 50-anyos na fixer nang tangkaing kikilan ng P11,000 ang isang estudyanteng gustong makapasok sa Unibesidad de Manila (UdM) para maging Grade 11 student kahapon sa Maynila.

fixer sa unibersidad de manila tiklo - Fixer sa Unibersidad de Manila tiklo
kulong 1 - Fixer sa Unibersidad de Manila tiklo

Arestado ang isang 50-anyos na fixer nang tangkaing kikilan ng P11,000 ang isang estudyanteng gustong makapasok sa Unibesidad de Manila (UdM) para maging Grade 11 student kahapon sa Maynila.

Nabatid na ipinrisinta ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga mamahayag ang suspek na si Celso Dimanlig y Salazar na naaresto sa Paco, Maynila.

“Kaya itinatag ang UdM ay para makapagbigay ang pamahalaan ng pagkakataon sa mga bata na mahihirap na makapag-aral,” ayon kay Moreno.

Nalaman na si Dimanlig ay naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) noong Martes ng hapon matapos magsamoa ng reklamo ang ina ng bata. Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 293 (Robbery Extortion) at Article 315 (Swindling or Estafa) Revised Penal Code sa Manila Prosecutor Office ang suspek.

“Naiinis ako. Mahihirap na nga ang mga taong ito, gusto lang iraos mula sa kahirapan, ginagatasan pa. Nahirati kayo sa nakaraang gobyerno,” dagdag pa ni Moreno.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *