Fish kill sa Taal Lake pinatutukan ni Duterte

PINAKILOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensiya ng gobyerno na mahigpit na i-monitor ang sitwasyon ng fish kill sa Taal lake sa Batangas.

The post Fish kill sa Taal Lake pinatutukan ni Duterte appeared first on Abante News Online.

fish kill sa taal lake pinatutukan ni duterte - Fish kill sa Taal Lake pinatutukan ni Duterte
taal - Fish kill sa Taal Lake pinatutukan ni Duterte

PINAKILOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensiya ng gobyerno na mahigpit na i-monitor ang sitwasyon ng fish kill sa Taal lake sa Batangas.

Kasunod ito ng tone-toneladang isdang lumutang sa Taal lake dahil umano sa pagbabago ng temperatura ng tubig at pag-angat ng asupre sa tubig.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na iniutos din ng Pangulo sa mga opisyal na magpatupad ng mga hakbang para maging minimal ang epekto ng nangyayari ngayon sa Taal.

“The President has directed the appropriate­ government offices to closely monitor the situation, particularly the water quality in Taal Lake,” ani Panelo.

Iniutos rin ni Pangulong Duterte ang mahigpit na pagbabantay sa presyo at supply ng isda, at tiyaking sariwa ang mga ibinebenta sa mga palengke.

“He ordered increased vigilance over the prices and supplies, as well as the freshness of fish sols in the market,” dagdag pa ni Panelo.

Winarningan din ng Malacañang ang publiko na iwasang magpakalat ng maling impormas­yon hinggil sa fish kill para hindi magdulot ng pagka­bahala sa mga tao.

“The public is cautioned to refrain from spreading false news on the matter which may only cause undue alarm,” wika pa ni Pane­lo. (Aileen Taliping)

The post Fish kill sa Taal Lake pinatutukan ni Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *