Filipino community sa Japan inalerto kay ‘Hagibis’

PINAG-IINGAT ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy sa Japan hinggil sa pagtama ng Super Typhoon Hagibis.

filipino community sa japan inalerto kay hagibis - Filipino community sa Japan inalerto kay ‘Hagibis’
japan 4 - Filipino community sa Japan inalerto kay ‘Hagibis’

PINAG-IINGAT ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy sa Japan hinggil sa pagtama ng Super Typhoon Hagibis.

Nanawagan kahapon ang embahada ng Pilipinas sa Tokyo sa mga Pinoy doon na doblehin pa ang pag-ingat at paghahanda dahil sa posibleng malakas na pag-ulan, hangin at malakas na alon dahil sa bagyo at pinagbabawalan munang bumiyahe ang mga ito.

Ayon sa DFA, base sa ulat ng Japan Meteorologi­cal Agency (JMA), ang Super Typhoon Hagibis ay itinuturing na ‘violent typhoon’, na pinakamataas na kategorya sa Japan typhoon scale.

Kaugnay nito inanunsiyo ng Japan Airlines at All Nippon Airways (ANA) ang suspensyon sa kanilang mga domestic flight, na sinimulan kahapon (Oktubre 11).

Suspendido rin ang operasyon ng kanilang train at pinayuhan ang mga biyahero, na laging mag-check ng mga impormasyong may kaugnayan sa biyahe ng mga airline, train company at iba pang public transportation company.

Nag-anunsiyo ng general public advice ang Japanese government at JMA, na maging alerto at laging mag-monitor sa mga balita.

Maaari umanong tawagan o kontakin ang hotline number ng embahada ng Pilipinas na +81 80 4928 7979/ +81 80 7000 7979 para sa mga Pinoy na nangangailangan ng ayuda. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *