Fil-Am wine expert swak sa pangmamanyak

ISANG Filipino-American na wine expert ang nahaharap sa mga sexual charge dahil sa mga binunyag ng ilang babae na kanyang kasama sa industriya.

fil am wine expert swak sa pangmamanyak - Fil-Am wine expert swak sa pangmamanyak
ABANTE sexual charge - Fil-Am wine expert swak sa pangmamanyak

ISANG Filipino-American na wine expert ang nahaharap sa mga sexual charge dahil sa mga binunyag ng ilang babae na kanyang kasama sa industriya.

Sa report ng The New York Times, apat na babae ang nagreklamo kay Anthony Cailan, isang sommelier, dahil sa pangmomolestiya umano nito.

Saad ni Raquel Makler, isa sa nagreklamo, na sinama siya ni Cailan sa New York para sa isang trabaho, ngunit ng papuntahin ito sa kanilang apartment ay puwersahang hinalikan umano ang babae at dito naganap ang pangmomolestiya.

Isa pa sa mga biktima ay si Sarah Fernandez, na isang sales representative sa isang wine firm. Halos parehas ang nangyari sa kanya sa apartment ni Cailan kung saan umano siya hinipuan.

Kumontra naman si Cailan sa mga kasong dinidikit sa kanya.

“The truth is, these allegations against me are false. I look forward to the opportunity to clear my name,” ayon kay Cailan sa panayam ng New York Times. (RP)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *