Fil-Am unang army general sa Hawaii

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Hawaii, isang sunda­long Pinoy ang na-promote bilang brigadier general sa US Army National Guard.

fil am unang army general sa hawaii - Fil-Am unang army general sa Hawaii
hawaii 2 - Fil-Am unang army general sa Hawaii

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Hawaii, isang sunda­long Pinoy ang na-promote bilang brigadier general sa US Army National Guard.

Pinangunahan ni Hawaii Go­vernor David Ige at Major General­ Arthur Joe Logan ang promotion ceremony sa bagong Fil-Am US Army Brigadier General na si Roy Macaraeg sa Washington place sa Honolulu, Hawaii.

Taong 1990 ng pumasok bilang ­enlisted army si Macaraeg kung saan hinirang siyang bilang soldier of the year noong 1993 dahil sa kahusayan sa tungkulin.

Taong 1996 nang italaga siya bilang artillery officer at nakapagtapos sa Hawaii Military Academy, Officer candidate School.

Kabilang siya sa mga sunda­long ipinadala sa Iraq ng sakupin ito ng Amerika noong 2003 at kalaunan ay na-assign din sa Kuwait at Kosovo.

Nagmula ang kanyang pamil­ya sa Northern Luzon sa Hawaii na lumaki at nag-aral sa Maca­raeg kung saan siya nakapag-asawa at ngayon ay may isang anak.

Agad na tutulak sa Pentagon sa Washington DC si Macaraeg para sa kanyang bagong posisyon bilang assistant director ng Army National Guard.

Ikinarangal naman ng Filipino community sa Hawaii ang promosyon ni Macaraeg na masasama na naman sa kasaysayan dahil sa galing ng mga Pinoy. (Dave Llavanes Jr.)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *