Fil-Am novelist nanalo ng MacArthur ‘genius’ grant

PASOK si Filipino-American­ teacher and graphic nove­list Lynda ­Barry sa 26 artista at iskolar na tumanggap ng The John D. and Catherine T. MacArthur Foundation awards ngayong 2019.

fil am novelist nanalo ng macarthur genius grant - Fil-Am novelist nanalo ng MacArthur ‘genius’ grant
lynda - Fil-Am novelist nanalo ng MacArthur ‘genius’ grant

PASOK si Filipino-American­ teacher and graphic nove­list Lynda ­Barry sa 26 artista at iskolar na tumanggap ng The John D. and Catherine T. MacArthur Foundation awards ngayong 2019.

Taong 1981, simula noong unang klase ng nasabing programa, binibigyan ng foundation ang kada grantee nang $625,000 stipend na makukuha nila kada quarter sa loob ng limang taon.

May lingguhang komiks si Barry na ‘Ernie­ Pook’s Comeek.’ Nakapag­labas na rin ito ng mga nobela gaya ng The Good Times Are Killing Me (1988), at One! Hundred! Demons! (2002), na patungkol sa paglaki niya bilang Fil-Am.

Pinuri rin ng MacArthur Foundation ang Fil-Am sa kanyang mga gawang nagdudulot ng interaksyon sa publiko, maging ang pagtuturo nitong nakasentro sa gampanin ng ‘image making’ sa komunikasyon.

(Riley dela Cruz)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *