Fil-Am nalitson sa California

Pinaniniwalaang isang Fil-Am ang natagpuang sunog na bangkay sa California nitong nakaraang linggo.

fil am nalitson sa california - Fil-Am nalitson sa California
patay 2 - Fil-Am nalitson sa California

Pinaniniwalaang isang Fil-Am ang natagpuang sunog na bangkay sa California nitong nakaraang linggo.

Sa ulat sa GMA nitong Biyernes, posibleng ang nawawalang bumbero na si John Ryan Mananghaya Aguila ang natagpuang sunog na bangkay sa San Antonio Heights.

Gayunman ay sumailalim pa sa DNA test ang natagpuang bangkay para makumpirmang ito nga ang nawawalang bumbero nitong Agosto 22.

May nakuha ring CCTV kung saan ay may dalawang lalaking nag-abandona sa kotse ng biktima.

Nasa kamay na ng mga awtoridad ang dalawang­ suspek na naispatan sa CCTV.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *