Fil-Am mail bomber kalaboso ng 20 taon

HINATULAN ng korte na makulong ng 20 taon ang isang Pinoy na nagpadala ng pipe bomb kina dating US President Barrack Obama, Vice President Joe Bidden, Secretary of State Hilary Clinton, artistang si Robert De Niro at sa tanggapan ng Cable News Network sa New York at iba pa noong Oktubre ng nakaraang taon.

fil am mail bomber kalaboso ng 20 taon - Fil-Am mail bomber kalaboso ng 20 taon
korte - Fil-Am mail bomber kalaboso ng 20 taon

HINATULAN ng korte na makulong ng 20 taon ang isang Pinoy na nagpadala ng pipe bomb kina dating US President Barrack Obama, Vice President Joe Bidden, Secretary of State Hilary Clinton, artistang si Robert De Niro at sa tanggapan ng Cable News Network sa New York at iba pa noong Oktubre ng nakaraang taon.

Ang 57-taong gulang na si Cesar Sayoc ay una nang nag-plead guilty sa sala ni Judge Jed Rakoff ng New York District Court para sa patong-patong na kasong domestic terrorism.

Bago ibaba ang hatol, humingi ng tawad si Sayoc sa kanyang nagawa at sinabing ang mga pahayag ni US President Donald Trump laban sa Democrats ang nagtulak sa kanya para gawin ang krimen.

Ayon sa korte, matindi ang galit ni Sayoc sa mga biktima pero wala raw itong intensyon na saktan ang mga ito.

Isa ito sa mga naging batayan ng korte kaya ibinababa sa 20 taon na pagkakakulong ang 67 kasong domestic terrorism na isinampa laban sa kanya.

Noong Oktubre ng nakaraang taon ipinadala ni Sayoc ang mga pipe bomb sa pamamagitan ng US post office sa California, Florida, Wa­shington DC at New York para takutin ang mga biktima na tumutuligsa sa pamamahala ni US President Donald Trump.

Naaresto siya ng FBI matapos na lumabas ang kanyang fingerprint sa isa sa mga pipe bomb na ipinadala nito. (Dave Llavanes Jr.)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *