Fil-Am farmer day ginunita sa California

GINUGUNITA ng Carson City, California ang Filipino-American farm worker na si Larry Itliong tuwing Oktubre 25.

fil am farmer day ginunita sa california - Fil-Am farmer day ginunita sa California
ABANTE Larry Itliong - Fil-Am farmer day ginunita sa California

GINUGUNITA ng Carson City, California ang Filipino-American farm worker na si Larry Itliong tuwing Oktubre 25.

Si Itliong ang nanguna sa pagpoprotesta ng higit 1,000 Filipino farm worker ng kanilang kondisyon sa paggawa noong Setyembre 8, 1965. Tinagurian itong Delano Grape Strike at tumagal ng limang taon. Nagresulta ito sa pagpirma nila ng una nilang union contract, pagtiyak ng mas makatarungang sahod, at pagkakaroon ng mga benepisyo.

Noong 2010, ang Carson ang unang Amerikanong lungsod na kinilala ang kaarawan ni Itliong bilang Larry Itliong Day.

Noong 2014 naman, pinirmahan ni dating California Governor Jerry Brown ang batas na taunang magdedeklara sa Oct. 25 bilang Larry Itliong Day.

Nitong Oktubre 26, 2019, ginanap ang ika-10 pagdiriwang ng Larry Itliong Day sa nasabing lungsod. Napuno ito ng mga miyembro ng Fil-Am community, mga pagtatanghal at pahayag mula sa mga lider ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *