Fil-Am, 10 kasama patay sa skydiving plane

Fil-Am, 10 kasama patay sa skydiving plane

KABILANG umano ang isang Filipino-American sa 11 katao na nasawi nang mag-crash ang sinasakyan nilang skydiving plane at masunog sa isang maiksing airfield sa hilagang bahagi ng Honolulu, Hawaii noong Hunyo 22.

The post Fil-Am, 10 kasama patay sa skydiving plane appeared first on Abante News Online.

fil am 10 kasama patay sa skydiving plane - Fil-Am, 10 kasama patay sa skydiving plane
plane crash 1 - Fil-Am, 10 kasama patay sa skydiving plane

KABILANG umano ang isang Filipino-American sa 11 katao na nasawi nang mag-crash ang sinasakyan nilang skydiving plane at masunog sa isang maiksing airfield sa hilagang bahagi ng Honolulu, Hawaii noong Hunyo 22.

Kinilala ang Fil-Am na si Jordan Tehero, 23-anyos at naninirahan sa isla ng Kauai sa Hawaii.

Ayon sa Honolulu Medical Examiner’s Office, kasama sa mga nasawi ay ang isang mag-asawa mula sa Colorado na nagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo, ilang skydiving instructor, Navy sailor, piloto at isang hindi pa nakikilalang pasahero ng bumagsak na skydiving plane.

Ayon sa ama ni Jordan na si Garet, pinasok ng kanyang anak ang skydiving sport para makalimot sa nasirang relasyon sa nobya nito pero kalaunan ay nagustuhan na rin ang bagong libangan kaya itinuloy ni Jordan ang pagkahilig sa skydiving.

Huling nakita ang skydiving plane na nag-aapoy ang buntot bago tuluyang nag-crash at nagliyab. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Fil-Am, 10 kasama patay sa skydiving plane appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *