Fetus tinapon sa warehouse

NADISKUBRE ang isang fetus malapit sa warehouse sa Makati City kamakalawa nang umaga.

The post Fetus tinapon sa warehouse appeared first on Abante News Online.

fetus tinapon sa warehouse - Fetus tinapon sa warehouse
ABANTE fetus - Fetus tinapon sa warehouse

By Armida Rico

NADISKUBRE ang isang fetus malapit sa warehouse sa Makati City kamakalawa nang umaga.

Hindi pa mabatid ang kasarian ng nasabing fetus na natagpuan sa may panulukan ng Belarmino at Llanera St. Brgy. Bangkal nang nasabing lungsod.

Dakong alas-10:20 ng umaga nang mapansin ng mga residente sa nasabing lugar ang isang plastic bag na pinagpipiyestahan ng mga langaw.

Nang kanilang busisiin tumambad sa kanila ang fetus na tinatayang nasa 3 hanggang apat na buwan.

Kaagad naman ipinagbigay alam sa mga barangay tanod at pulis ang insidente
Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang nasabing insidente at inaalam na rin kung sinong walang pusong ina ang nag-abandona sa naturang fetus.

Inaalam na rin kung nahagip ito ng close circuit television (CCTV) upang ma­laman kung sino ang responsable dito.

The post Fetus tinapon sa warehouse appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *