Ferrari, mga pekeng sigarilyo winasak ng BOC

Ferrari, mga pekeng sigarilyo winasak ng BOC

ISANG mamahaling sports car at mga pekeng sigarilyo ang sinira ng Bureau of Customs (BOC) sa loob ng compound nito sa Port Area, Maynila, nitong Martes.

The post Ferrari, mga pekeng sigarilyo winasak ng BOC appeared first on Abante News Online.

ferrari mga pekeng sigarilyo winasak ng boc - Ferrari, mga pekeng sigarilyo winasak ng BOC
ferrari - Ferrari, mga pekeng sigarilyo winasak ng BOC

ISANG mamahaling sports car at mga pekeng sigarilyo ang sinira ng Bureau of Customs (BOC) sa loob ng compound nito sa Port Area, Maynila, nitong Martes.

Ang P7 milyong halaga ng Ferrari ay dineklara ng consignee Camama Autohub na auto spare parts na pinasok sa bansa noong Mayo.
Ang Ferrari na walang makina at dalawa ang pinto ay pinitpit gamit ang bulldozer.

Ang mga kahon naman ng mga pekeng sigaril­yo—na mga imitasyon ng ilang mga sikat na tatak ng tabako—ay sinira rin nitong Martes nang umaga. Kasama sa sinira ang makina sa paggawa ng sigarilyo.

Nabatid sa BOC na umabot sa P157 milyon ang kabuuang halaga ng lahat ng sinirang mga item.

Sa State of the Nation Address (SONA) ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte, sinabi nitong umaabot sa P585 bilyon ang nakolektang buwis ng BOC subalit mas malaki pa sana ito kung hindi kinurakot ang iba pa sanang makokolektang buwis.

Noong nakaraang linggo lamang ay pinulong ni Pangulong Duterte ang mga sinuspindeng opisyal at empleyado ng BOC na mag-resign na lamang dahil ayaw niyang pabalikin sa trabaho ang mga ito.
“All of them will go out from the premises of the Customs. Period. I do not want them back,” diin ng Pangulo. (Mina Aquino)

The post Ferrari, mga pekeng sigarilyo winasak ng BOC appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *