Feeling nilalandi si misis, contractor binaril ang kainuman

PINAGBABARIL ng isang contractor ang dalawa nitong kainuman na nagselos dahil umano sa pakiramdam nito na ay nilalandi ang kanyang misis habang nag-iinuman sa Tanza, Cavite.

The post Feeling nilalandi si misis, contractor binaril ang kainuman appeared first on Abante News Online.

feeling nilalandi si misis contractor binaril ang kainuman - Feeling nilalandi si misis, contractor binaril ang kainuman
gun 4 - Feeling nilalandi si misis, contractor binaril ang kainuman

PINAGBABARIL ng isang contractor ang dalawa nitong kainuman na nagselos dahil umano sa pakiramdam nito na ay nilalandi ang kanyang misis habang nag-iinuman sa Tanza, Cavite.

Sinugod sa Divine Grace Medical Center ang mga biktimang sina Luciano Mijares, 52-anyos, may-asawa at Reynaldo Regalado, 31, dahil sa tama ng bala sa tiyan.

Naaresto naman sa isinagawang follow up operation ang suspek na si Antonio Onorio Jr., 41, residente ng ng Brgy. Santol, Tanza.

Sa ulat ni P/SSgt. Dennis Magsaysay ng Tanza Municipal Police, dakong alas-9:30 kamakalawa nang gabi nang naganap ang insidente sa bahay ng suspek at kaarawan ng anak na lalaki nito kung saan imbitado bilang bisita ang mga biktima.

Sa kalagitnaan ng kanilang inuman ay napansin ng suspek na kinakausap ng dalawa ang kanyang misis na si Alona at pakiramdam niya ay nilalandi pa ito diumano ni Mijares.

Dahil dito, kinompronta niya si Mijares at sa galit ay binaril nito sa tiyan bago isinunod na binaril si Regalado.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek subalit agad ding naaresto. Nakuha sa kanya ang isang kalibre .9mm na pistol at bala.

Gayunman, iniurong ng mga biktima ang kaso sa suspek dahil hindi naman umano sila napuruhan basta ba-balikatin ng suspek ang gastusin sa ospital. (Gene Adsuara)

The post Feeling nilalandi si misis, contractor binaril ang kainuman appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *