FDA nagbabala sa astringent

Nababala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili at paggamit ng The Original Porcelana astringent improved formula na minarkahang mapanganib sa kalusugan ng mga mamimili.

The post FDA nagbabala sa astringent appeared first on Abante News Online.

fda nagbabala sa astringent - FDA nagbabala sa astringent
astringent - FDA nagbabala sa astringent

Nababala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili at paggamit ng The Original Porcelana astringent improved formula na minarkahang mapanganib sa kalusugan ng mga mamimili.

Sa inilabas na FDA Advisory No. 2019-119 ang nasabing produkto ay natuklasang positibo sa hydroquinone at tretinoin, sangkap na hindi pinapahintulutan sa mga cosmetic.

Ayon sa FDA ang hydroquinone at tretinoin (Retinoic Acid) ay dapat na iklasikipa bilang home remedy, over-the-counter, o prescription depende sa dami, nakasaad sa Administrative Order No. 13 s. 1999.

Dahil hindi tumutugon ang THE ORIGINAL PORCELANA® ASTRINGENT IMPROVED FORMULA sa umiiral na pa­nuntunan, ayon sa FDA ang mga gumagamit ng nasabing produkto ay ini­lalagay sa panganib ang kalusugan at kaligtasan.

Ang paggamit ng nasa­bing produkto ayon pa sa FDA ay maaring mauwi sa skin irritation, pangangati, anaphylactic shock at ma­ging organ failure.

Nanawagan din ang FDA sa lahat ng Local Government Units (LGUs) at Law Enforcement Agencies (LEAs) na tiyakin na ang nasabing produkto ay hindi ibebenta sa kanilang mga nasasakupan.

The post FDA nagbabala sa astringent appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *