FBI tinutugis mga Pinoy sa pro-Trump protest

Washington D.C – Pinaghahanap ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang ilang Pinoy na supporter ni outgoing US President Donald Trump na sumugod sa US Capitol noong Enero 6, 2020.

The post FBI tinutugis mga Pinoy sa pro-Trump protest first appeared on Abante.

fbi tinutugis mga pinoy sa pro trump protest - FBI tinutugis mga Pinoy sa pro-Trump protest
abante pro trump - FBI tinutugis mga Pinoy sa pro-Trump protest

Washington D.C – Pinaghahanap ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang ilang Pinoy na supporter ni outgoing US President Donald Trump na sumugod sa US Capitol noong Enero 6, 2020.

Naglabas ang FBI ng mga larawan na subject na national round-up ng federal agents.

Kabilang sa hinahanap ang lalaki na nasa larawang kasama sa unang grupo na nakapasok sa loob ng US capitol.

Natunton ang identity ng suspect dahil sa social media account nito pero pinag-aaralan pa ng mga imbestigador kung ano ang partisipasyon nito sa madugong kilos protests na nag-iwan ng limang patay kabilang ang isang US Capitol Police na binugbog ng mga taga support ni Trump.

Isa ang Pinoy at US Army veteran at dating California Police na si Jurell Snyder sa mga sumama sa kilos protesta pero sa sinabi niya sa isang interview sa San Francisco na isang mapayapang kilos protesta ang ipinunta niya sa Washington D.C. at hindi siya sumama sa mga bayolenteng raliyista.

Isa ring Trump organizer ang Pinoy na si Jessie Chan mula sa New York na nanguna sa dalawang bus ng Trump suporters na pumunta sa Washington DC noong Martes at umaming ilan sa kasama niya ang pumasok sa kapitolyo.

Nag-aalala si Jessie na baka kabilang siya sa mga tinutugis pero ayon sa kanya religous group ang kanilang delegasyon at hindi siya sumama sa mga pumasok sa kapitolyo.(Dave Llavanes Jr.)

The post FBI tinutugis mga Pinoy sa pro-Trump protest first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *