Fast food chain pinagbabayad ng 1.2M danyos ng korte

NAGMISTULANG labanan nina David at Goliath ang burger war makaraang magpalabas na ng writ of execution ang Makati City Regional Trial Court upang magba­yad ng danyos na P1.2 milyon ang food chain giant na McDonald’s sa L.C. Big Mak Burger makaraang ibasura ng Korte Suprema ang indirect contempt char­ges na isinampa ng McDonald’s laban sa Big Mak.

fast food chain pinagbabayad ng 1 2m danyos ng korte - Fast food chain pinagbabayad ng 1.2M danyos ng korte
mcdo - Fast food chain pinagbabayad ng 1.2M danyos ng korte

NAGMISTULANG labanan nina David at Goliath ang burger war makaraang magpalabas na ng writ of execution ang Makati City Regional Trial Court upang magba­yad ng danyos na P1.2 milyon ang food chain giant na McDonald’s sa L.C. Big Mak Burger makaraang ibasura ng Korte Suprema ang indirect contempt char­ges na isinampa ng McDonald’s laban sa Big Mak.

Inatasan ni Makati RTC Branch 59 Acting Presiding Judge Rosario Ester Orda-Caise ang sheriff nitong si Maximo Mabute upang ipatupad ang writ of execution.

Ibinasura ng SC ang mosyon ng McDo­nald’s makaraang paboran ng High Tribunal ang L.C. Big Mak at si Francis Dy sa petition nito for certiorari hinggil sa Court of Appeals decision noong February 2, 2017 na nag-reverse sa Makti-RTC decision noong April 7, 2014 para sa isinampang indirect contempt ng McDonald’s laban sa Big Mak.

Nag-ugat ito nang kasuhan ng McDo­nald’s Corporation ang L.C. Big Mak ng indirect contempt matapos pa­tuloy na gamitin ng local burger company ang Big Mak na ginaya sa kanilang produkto na Big Mac sa kabila ng naging kautusan ng korte.

Ibinasura ng Makati-RTC ang naging kaso ng McDonald’s laban sa L.C. Big Mak at kay Francis Dy bagkus ay inatasan pa ang food chain na magbayad ng P1.2 milyong moral, e­xemplary damages at attorney’s fee sa L.C. Big Mak Burger Inc. at kay Mr. Dy hanggang iapela nito sa Court of Appeals at binaligtad ang naunang desisyon ng RTC.

Naghain naman ng petition for certiorari sa SC ang L.C. Big Mak hanggang sa paboran nito sa 13-page decision na isinulat ni Associate Justice Noel Tijam ang 2014 decision ng Makati-RTC na nagbabasura sa contempt charges ng McDo­nald’s at iniutos ang pagbabayad ng P1.2 mil­yong danyos.

“Testimonial and documentary evidence were in fact presented to show that petitioner had been using ‘Super Mak’ and/or its corporate name ‘L.C. Big Mak Burger Inc.’ in its business operations instead of the proscribed mark ‘Big Mak’ pursuant to the ruling of the Infringement Court,” nakasaad sa desisyon ng SC.

Wika pa ng SC, ang patuloy na paggamit ng Big Mak sa corporate name nito ay hindi maituturing na pagsuway sa naging kautusan ng korte.

“It bears stres­sing that the proscription in the injunction order is against petitioner’s use of the mark ‘Big Mak.’ However, as established, petitioner had already been u­sing its corporate name instead of the proscribed mark…Clearly, as correctly found by the RTC, petitioner had indeed desisted from the use of ‘Big Mak’ to comply with the injunction order,” nakasaad pa sa SC ruling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *