Family planning ibabalik

IBABALIK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Family Planning prog­ram sa huling tatlong taon ng kanyang termino.

family planning ibabalik - Family planning ibabalik
ABANTE planning - Family planning ibabalik

IBABALIK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Family Planning prog­ram sa huling tatlong taon ng kanyang termino.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa ika-31 ani­bersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program sa Department of Agrarian Reform Office sa Quezon City.

Ikinuwento ng Pa­ngulo na sa kanyang pagbisita sa mga magsasaka sa Davao kasama ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay nabatid nitong mara­ming anak ang mga magsasaka.

Mula anim hanggang pito umano ang anak ng mga ito kaya kahit anong pagsisikap na makaahon ay hindi magawa dahil sa dami ng kanilang mga anak.

Ito aniya ang isa sa mga dahilan kaya nais nitong ibalik ang family planning program.

Sinabi pa ng Pangulo na tanging sila lamang ni dating Pangulong Fidel Ramos ang malakas ang loob na magsulong sa family planning kahit pa kinokontra ito ng ibang relihiyon.

“Beginning in the next three years, ibalik n’yo ‘yang family planning.. it was Ramos and ako na talagang pinipilit ko sa aking siyudad ang family planning. You can ask any guy sa Davao. Sa Davao ‘yung drawer ko punong-puno ng pills, ‘yung iba tinatago ko rin para akin. Pero ‘yung mga babae, ‘pag nangaila­ngan ng trabaho, ok u comeback to me after you deliver, but have ligation. ‘Pag walang ligation hindi kita matutulungan,” anang Pangulo.

Pero nilinaw ni Pa­ngulong Duterte na hindi niya papayagan ang abortion sa sandaling ipatupad muli ang family planning sa bansa.

“Family planning sa ligation, para lang to.. ‘yan ang isang i-hurdle natin… do not place too much importance about religion. It cannot help you, maniwala kayo. You go direct to your God and pray for guidance, especially in matter of family planning. Abortion is out. I will not allow it,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping/Prince Golez )

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *