Failure of election isinigaw ng mga political group

‘Failure of election’ ang sigaw ng political party­ ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP), Philippine Computer Society Emeritus Toti Casiño bunsod ng kaliwa’t kanang iniulat na mga kapalpakan ng ilang Vote Counting Machines (VCM) at paglabag ng proseso ng eleksyon ayon sa Section 5 & 6 ng Omnibus Election Code at Republic Act 9369.

The post Failure of election isinigaw ng mga political group appeared first on Abante News Online.

failure of election isinigaw ng mga political group - Failure of election isinigaw ng mga political group
botane - Failure of election isinigaw ng mga political group

‘Failure of election’ ang sigaw ng political party­ ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP), Philippine Computer Society Emeritus Toti Casiño bunsod ng kaliwa’t kanang iniulat na mga kapalpakan ng ilang Vote Counting Machines (VCM) at paglabag ng proseso ng eleksyon ayon sa Section 5 & 6 ng Omnibus Election Code at Republic Act 9369.

Sa ginanap na Media Forum sa Manila Hotel, nagsama-sama sina Prof. Toti Casiño, Nelson Celis, Atty. Glenn Chong, Butch Valdes, Atty. Melchor Magdamo.

Ayon kay Nelson Celis, spokesperson ng Automated Election System Watch, mandato ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagbibigay ng sertipikasyon ng Technical Evaluation Committee (TEXC) tatlong buwan­ bago ang araw ng halalan.

Aniya, sa sertipikasyon ng TEC ay nagsasaad na ang mga Vote Counting Machine (VCM) na gagamitin ay gumagana ng maayos, ligtas at sigurado (VCM should be operating properly, securely, accurately) ayon sa Section 11 ng Republic Act 9369.

Sa pagtatapos ng nasabing forum nakiisa ang lahat kay Atty. Melchor Magdamo, Legal Counsel ng Mata sa Balota na magsampa ng Freedom of Information Petition sa iba’t ibang korte sa Pilipinas upang magkaroon ng mabuksan ang mga VCM at matignan ang mga balota at resulta ng eleksyon.

The post Failure of election isinigaw ng mga political group appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *