Faeldon sipain!

IGINIIT ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III kay Pangulong Rodrigo Duterte na isakatuparan ang revamp sa Bureau of Corrections (BuCor) bunsod ng kontrobersya sa maagang pagpapalaya nila sa mga convicted criminal, kabilang na ang muntikang paglabas sa New Bilibid Prison (NBP) ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.

faeldon sipain - Faeldon sipain!
abante Faeldon - Faeldon sipain!

IGINIIT ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III kay Pangulong Rodrigo Duterte na isakatuparan ang revamp sa Bureau of Corrections (BuCor) bunsod ng kontrobersya sa maagang pagpapalaya nila sa mga convicted criminal, kabilang na ang muntikang paglabas sa New Bilibid Prison (NBP) ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.

“PRRD must revamp the entire officialdom of the BuCor. This travesty of Justice is condemnable!” tweet ni Sotto kahapon.

Hindi man binanggit ng Senate President ang pangalan ni BuCor chief Nicanor Faeldon, binakbakan naman nito ang dating pinamunuan ng opisyal dahil sa kinasangkutang iskandalo doon. Nagsilbing Commissioner ng Bureau of Customs (BOC) si Faeldon bago sinipa ni Pangulong Duterte matapos malusutan ng bilyong halaga ng shabu sa BOC.

“Bakit lahat ng malipatan nitong official na ito may iskandalo? Saan Kaya sya Sunod ililipat?” hiwalay na tweet ni Sotto.

Ibinuhos din ni Senador Sherwin Gatchalian sa social media ang galit nito kay Faeldon.

“I don’t know what to say sa galit ko! Pinalabas ni Faeldon ang P6.4 (billion) worth of illegal drugs sa BOC, ngayon naman, pinalabas niya isang rapist sa BuCOR. Bakit nasa gobyerno pa itong tao na ito,”tweet ni Gatchalian kahapon.

Isiniwalat naman ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na hawak na niya ang dokumento ng August 20 release order kay Sanchez kung saan pirmado ito ni Faeldon.

Kokomprontahin ni Lacson si Faeldon hinggil sa pinirmahan niyang release order ni Sanchez sa gagawing pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ngayong Lunes.

“May nilabas na pirmadong release ni Sanchez ang nakapirma mismo si Nicanor Faeldon. Pero gusto natin malaman dahil easily puwede niya sabihin na-forge ang kanyang signature at may parang specimen signature na lumabas at may pagkakaiba sa pirma o signature ni Faeldon,” pagsiwalat ng senador.

“Ang tanong ‘di ba dapat ang tauhan na nag-i-implement ng order ng head of office, familiar ka dapat sa signature ng boss mo? Alam mo kung lulusot puwede lumusot pero nakapa-tenous nakapa-flimsy ng lusot na lalabas,”dagdag pa ng senador.

Idinagdag pa ni Lacson na dismayado umano ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ginawang pagpapalaya sa tinatayang 48 drug convict mula sa kabuuang 1,914 gumawa ng heinous crime na napalaya dahil sa recomputation ng kanilang sentensiya sa ilalim ng GCTA Law.

Aniya, kailangang gumawa ng kaukulang hakbang si Pangulong Duterte dahil mababalewala lamang ang kampanya nito laban sa iligal na droga kung nakakalaya naman ang mga drug lord na pinakulong ng gobyerno.

“If the President does not take drastic action on this latest caper of an official who was recycled in spite of questionable actions committed in his previous assignment like the P6.4 billion shabu smuggling that got away under mysterious circumstances, on top of the organized ‘tara’ on smuggled good, we should start thinkin­g if there is seriousness in this administation’s much-touted war against drugs and corruption midway into his six-year term,” ani ni Lacson.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *